Ito ang kuwento ng mag-asawang tila hindi bagay para sa isa’t isa. Si Juan dela Costa ay isang lalaking takot na takot sa commitment. Ayaw niyang mag-asawa at balak lang mag-asal binata habambuhay. Si Happy Villanueva naman ay laging naghahanap para sa kanyang “the One.” Napaka idealistic niya pagdating sa pag-ibig at lahat ng bagay ay romantic para sa kanya. Magkakakilala ang dalawa nang sagipin ni Juan si Happy mula sa isang madurukot. Ang kanilang whirlwind romance ay mauuwi din sa kasalan!

Post a Comment